Add parallel Print Page Options

47 Ang mga pinunong-saserdote nga at mga Fariseo ay nagtipon ng isang sanggunian.

Sinabi nila: Ano ang ating ginagawa? Ang taong ito ay gumagawa ng maraming tanda.

48 Kapag pabayaan lang natin siya, ang lahat ng tao ay sasampalataya sa kaniya. Kung magkagayon, ang mga taga-Roma ay darating at aagawin maging ang ating pook at bansa.

49 Ang isa sa kanila ay si Caifas, ang pinunong-saserdote nang taong iyon. Bilang pinunong-saserdote ay sinabi niya sa kanila: Wala talaga kayong alam. 50 Hindi ninyo pinag-isipan na makakabuti sa atin na mamatay ang isa para sa mga tao. Kung magkagayon, ang buong bansa ay hindi malilipol.

51 Hindi niya ito sinabi nang sarili niya. Bilang pinunong-saserdote nang taong iyon, inihayag niyang si Jesus ay mamamatay na para sa bansang iyon. 52 Hindi lamang para sa bansang iyon kundi para rin sa mga anak ng Diyos na nangalat. Ito ay upang sila ay tipunin at pag-isahin. 53 Mula nga sa araw na iyon sila ay sumangguni sa isa’t isa na siya ay patayin.

54 Si Jesus nga ay hindi na lumakad ng hayag sa gitna ng mga Judio. Siya ay nagtungo sa isang lalawigang malapit sa ilang, sa lungsod na tinatawag na Efraim. Nanatili siya roon kasama ang kaniyang mga alagad.

Read full chapter