Add parallel Print Page Options

Huwag din nga kayong sumamba sa diyos-diyosan tulad ng ilan sa kanila. Ayon sa nasusulat:

Ang mga tao ay umuupo upang kumain at uminom. Sila ay tumitindig upang maglaro.

Huwag din nga tayong makiapid tulad ng ilan sa kanila na nakiapid. Sa loob ng isang araw dalawampu’t tatlong libo ang bumagsak sa kanila at namatay. Huwag din nating subukin si Cristo tulad ng ginawang pagsubok ng ilan sa kanila. Sa pamamagitan ng mga ahas sila ay namatay.

Read full chapter