Font Size
1 Corinto 13:2-4
Ang Salita ng Diyos
1 Corinto 13:2-4
Ang Salita ng Diyos
2 Kahit na may kaloob ako ng paghahayag, at ng pagkaalam sa lahat ng mga hiwaga at nasa akin ang lahat ng kaalaman, wala akong halaga kung wala akong pag-ibig. Kahit na may matibay akong pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, kung wala akong pag-ibig, wala akong halaga. 3 Kahit ipamigay ko ang lahat kong tinatangkilik upang mapakain ang mga mahihirap, kahit ibigay ko ang aking katawan para sunugin, kung wala akong pag-ibig, wala akong mapapakinabang.
4 Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International