Font Size
1 Corinto 3:10-12
Ang Salita ng Diyos
1 Corinto 3:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Ayon sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa akin, inilagay ko ang saligan. Inilagay ko ito tulad ng isang marunong na punong-tagapagtayo at may ibang nagtatayo roon. Subalit mag-ingat ang bawat isa kung papaano siya magtatayo roon. 11 Ito ay sapagkat wala nang ibang saligang mailalagay ang sinuman maliban doon sa nakalagay na. Siya ay si Jesus na Cristo. 12 Ngunit, ang isang tao ay maaaring magtayo sa saligang ito ng ginto, pilak, mga mamahaling bato, kahoy, damo o dayami.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International