Add parallel Print Page Options

Parusa sa Gumagawa ng Kahalayan

Nakarating(A) nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan! At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana'y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag! Kahit wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya't parang nariyan na rin ako. Ang gumagawa niyan ay hinatulan ko na

Read full chapter

Ang Hatol Laban sa Imoralidad

Sa katunayan ay may naiulat na may pakikiapid na nagaganap sa inyo, na ang isang lalaki ay nakikipisan sa asawa ng kanyang ama. Ang ganyang uri ng pakikiapid ay wala kahit sa mga pagano. At nagyayabang pa kayo! Dapat sana'y nalungkot kayo, upang maitiwalag ninyo ang gumagawa nito? Sapagkat kahit wala ako riyan sa katawan, ako'y kasama ninyo sa espiritu. Kaya't para na ring nasa harapan ninyo, humatol na ako sa gumawa ng bagay na ito.

Read full chapter