Add parallel Print Page Options

22 Sa mga mahihina ako ay naging mahina upang madala ko ang mga mahihina. Naging ganito ako sa lahat ng bagay upang mailigtas ko sa bawat kaparaanan kahit ang ilan. 23 Ito ay ginagawa ko alang-alang sa ebanghelyo nang sa gayon ako ay maging kapwa kabahagi ng ebanghelyo.

24 Hindi ba ninyo nalalaman na sa paligsahan sa pagtakbo ang lahat ay tumatakbo ngunit iisa ang nagkakamit ng gantimpala? Kung gayon, pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang makamit ang gantimpala.

Read full chapter