Add parallel Print Page Options

19 Sinabi niya, “O Dios ko, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya hindi ito ininom ni David.

Iyon nga ang mga ginawa ng tatlong matatapang na tauhan ni David.

20 Si Abishai na kapatid ni Joab ang pinuno ng 30[a] matatapang na tauhan ni David. Nakapatay siya ng 300 Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya gaya ng tatlong matatapang na tauhan, 21 pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa 30[b] niyang kasama, siya ang naging kumander nila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:20 30: Ito ang nasa ibang mga tekstong Hebreo at Syriac, ngunit sa karamihan na teksto, tatlo.
  2. 11:21 30: sa Hebreo, tatlo. Tingnan sa talatang 25.