Font Size
1 Cronica 11:4-6
Ang Biblia, 2001
1 Cronica 11:4-6
Ang Biblia, 2001
Sinakop ni David ang Zion
4 Si(A) David at ang buong Israel ay pumunta sa Jerusalem na siyang Jebus, na kinaroroonan ng mga Jebuseo, ang mga naninirahan sa lupain.
5 At sinabi ng mga naninirahan sa Jebus kay David, “Ikaw ay hindi makakapasok dito.” Gayunma'y sinakop ni David ang muog ng Zion na ngayo'y lunsod ni David.
6 Sinabi ni David, “Sinumang unang sumalakay sa mga Jebuseo ay magiging pinuno at kapitan.” Si Joab na anak ni Zeruia ay unang umahon kaya't siya'y naging pinuno.
Read full chapter