Add parallel Print Page Options

At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David.

At sinabi ni David, Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay (A)magiging pinuno at kapitan. At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una, at naging pinuno.

At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.

Read full chapter