Add parallel Print Page Options

Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin. Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joash na mga anak ni Shemaa na taga-Gibea. Ito ang mga pangalan nila:

sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet,

sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,

si Ishmaya na taga-Gibeon, na isa sa mga tanyag na sundalo at isa rin sa matatapang na pinuno ng 30 matatapang na tao,

sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na taga-Gedera,

Read full chapter