Add parallel Print Page Options

21 Tumulong sila kay David sa pakikipaglaban sa mga lumulusob sa kanila, dahil matatapang silang mga mandirigma. Kaya nga naging pinuno sila ng mga sundalo ni David. 22 Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David para tumulong, hanggang sa dumami at naging matibay ang kanyang mga sundalo.[a]

23-24 Ito ang bilang ng mga armadong sundalo na pumunta kay David sa Hebron upang tumulong sa kanya na maagaw ang kaharian ni Saul, ayon sa ipinangako ng Panginoon:

Mula sa lahi ni Juda: 6,800 sundalo na may mga dalang sibat at pana.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:22 hanggang sa dumami … mga sundalo: o, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Dios.