Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, sinabi ni David, “Walang ibang tagabuhat ng Kahon ng Dios maliban sa mga Levita, dahil sila ang pinili ng Panginoon na magbuhat ng Kahon ng Panginoon at maglingkod sa presensya niya magpakailanman.” Tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita sa Jerusalem na magdadala ng Kahon ng Panginoon sa lugar na inihanda niya para rito. Ipinatawag din niya ang mga pari[a] at mga Levita, na ang mga bilang ay ito:

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:4 mga pari: sa literal, mga angkan ni Aaron.