Add parallel Print Page Options

Ang Digmaan Laban sa mga Filisteo(A)

Makalipas ang ilang panahon, muling naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gezer. Sa labanang ito, pinatay ni Sibecai na taga-Husha si Sipai,[a] na isa sa mga angkan ng Rafa.[b] At natalo ang mga Filisteo. Sa isa pa nilang labanan, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat na taga-Gat. Ang sibat ni Lami ay makapal at mabigat.[c]

Muli pang naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gat. Sa labanang ito, may isang tao na sobrang laki, may tig-aanim na daliri sa mga kamay at paa niya. Isa rin siya sa mga angkan ng mga Rafa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:4 Sipai: o, Saf.
  2. 20:4 Rafa: o, Refaimeo. Maaaring ang matatangkad na tao na naninirahan sa Canaan bago dumating ang mga Israelita. Tingnan sa Deu. 2:10-11.
  3. 20:5 makapal at mabigat: sa literal, gaya ng panghabi ng manghahabi. Sa Ingles, weaverʼs rod.