Add parallel Print Page Options

At mga puno ng sedro na walang bilang; sapagka't ang mga (A)Sidonio at ang mga taga Tiro ay nangagdala kay David ng mga puno ng sedro na sagana.

At sinabi ni David, (B)Si Salomong aking anak ay bata at mura, at ang bahay na matatayo na laan sa Panginoon ay marapat na totoong mainam, na bantog at maluwalhati sa lahat na lupain: akin ngang ipaghahanda. Sa gayo'y naghanda si David ng sagana bago sumapit ang kaniyang kamatayan.

Nang magkagayo'y ipinatawag niya si Salomon na kaniyang anak, at binilinan niyang magtayo ng isang bahay na laan sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

Read full chapter