Add parallel Print Page Options

Mula sa mga anak na lalaki ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netania at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios kung ipinag-uutos ito ng hari.

Mula sa mga anak na lalaki ni Jedutun: sina Gedalia, Zeri, Jeshaya, Shimei,[a] Hashabia at Matitia – anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Dios na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.

Mula sa mga anak na lalaki ni Heman: sina Bukia, Matania, Uziel, Shebuel,[b] Jerimot, Hanania, Hanani, Eliata, Giddalti, Romamti Ezer, Joshbekasha, Malloti, Hotir at Mahaziot.

Read full chapter

Footnotes

  1. 25:3 Shimei: Wala ito sa karamihang tekstong Hebreo, ngunit makikita ito sa isang tekstong Hebreo at sa iilang tekstong Septuagint.
  2. 25:4 Shebuel: o, Shubael.