Add parallel Print Page Options

Kay Heman: ang mga anak ni Heman: si Buccia, at si Mathania, si Uzziel, si (A)Sebuel, at si Jerimoth, si Hananias, si Hanani, si Eliatha, si Gidalthi, at si Romamti-ezer, si Josbecasa, si Mallothi, si Othir, si Mahazioth:

Lahat ng mga ito'y mga anak ni Haman na tagakita ng hari sa mga salita ng Dios, upang magtaas ng sungay. At ibinigay ng Dios kay Heman ay labing apat na anak na lalake at tatlong anak na babae.

Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman.

Read full chapter