Add parallel Print Page Options

Kay Heman, ang mga anak ni Heman: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamtiezer, Josbecasa, Maloti, Hotir, at Mahaziot.

Lahat ng mga ito'y mga anak ni Heman na propeta[a] ng hari, ayon sa pangako ng Diyos na itaas siya. Sapagkat binigyan ng Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae.

Silang lahat ay nasa ilalim ng pamumuno ng kanilang ama sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, na may mga pompiyang, mga lira, at mga alpa sa paglilingkod sa bahay ng Diyos; sina Asaf, Jedutun, at Heman ay nasa ilalim ng pamumuno ng hari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 25:5 Sa Hebreo ay tagakita .