Print Page Options

Ang sabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magtatayo ng aking Templo, sapagkat siya ang pinili kong maging anak, at ako naman ang magiging ama niya. Patatatagin ko ang kanyang kaharian magpakailanman kung patuloy niyang susundin ang aking mga utos at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon.’ Kaya nga, sa harapan ng buong Israel na bayan ni Yahweh, at ng Diyos na ngayo'y nakikinig, inaatasan ko kayo na sundin ninyong mabuti ang kautusan ng Diyos ninyong si Yahweh upang manatiling sa inyo ang masaganang lupaing ito at maipapamana naman ninyo sa inyong mga salinlahi magpakailanman.

Read full chapter
'1 Paralipomeno 28:6-8' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

At kaniyang sinabi sa akin, (A)Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama.

At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.

Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.

Read full chapter

At kaniyang sinabi sa akin, Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama.

At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.

Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.

Read full chapter

Kanyang sinabi sa akin, ‘Si Solomon na iyong anak ang siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga bulwagan, sapagkat pinili ko siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kanyang ama.

Itatatag ko ang kanyang kaharian magpakailanman, kung kanyang laging susundin ang aking mga utos at mga tuntunin, gaya sa araw na ito.’

Ngayon, sa paningin ng buong Israel, ang kapulungan ng Panginoon, at sa pandinig ng ating Diyos, tuparin at sundin ninyo ang lahat ng mga utos ng Panginoon ninyong Diyos, upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwan bilang pamana sa inyong mga anak pagkatapos ninyo, magpakailanman.

Read full chapter