1 Cronica 29:20-22
Ang Biblia (1978)
Nagsunog ng handog.
20 At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay (A)pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at (B)iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.
21 At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga (C)inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel;
Si Salomon ay ginawang hari.
22 At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na (D)ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya (E)sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978