Add parallel Print Page Options

Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.

Ang Panalangin ni David

10 Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya,

“O Panginoon, Dios ng aming ninuno na si Jacob,[a] sa inyo ang kapurihan magpakailanman! 11 Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

Read full chapter

Footnotes

  1. 29:10 Jacob: sa Hebreo, Israel. Ganito rin sa talatang 18.