Add parallel Print Page Options

Ang mga Kaloob para sa Templo

29 Ipinahayag(A) ni Haring David sa buong kapulungan, “Ang anak kong si Solomon na pinili ng Diyos upang humalili sa akin ay bata pa at walang sapat na karanasan. Napakalaki ng gawaing kakaharapin niya, sapagkat ang gagawin niya ay hindi isang palasyo para sa tao kundi Templo para sa Panginoong Yahweh. Dahil dito, sinikap kong magtipon ng mga gagamitin para sa Templo ng aking Diyos tulad ng ginto, pilak, tanso, bakal at kahoy. Napakarami ng inihanda kong batong onise at iba pang mahahalagang batong pampalamuti, at lahat ng uri ng mahahalagang bato at marmol. Hindi lang iyan, pati na ang sarili kong pilak at ginto ay inilaan ko na rin sa gawaing ito, sapagkat kasiyahan kong magkaroon ng Templo ang aking Diyos. May nakalaan akong 105,000 kilong ginto na mula pa sa Ofir, at 245,000 kilong purong pilak na ididikit sa mga dingding ng Templo, at sa iba pang bagay na gagawin ng mga mahuhusay na platero. Sino sa inyo ngayon ang kusang-loob na magbibigay para kay Yahweh?”

Sumang-ayon agad ang mga pinuno ng mga sambahayan, ang mga pinuno ng mga lipi, ang mga pinuno ng mga hukbo at ang mga katiwala ng hari. Kusang-loob silang nagbigay, at ang natipon para sa gagawing templo ay 175,000 kilong ginto, 350,000 kilong pilak, 630,000 kilong tanso, at 3,500,000 kilong bakal. Ipinagkaloob nila ang kanilang mahahalagang bato sa kabang-yaman ng Templo ni Yahweh na nasa pamamahala ni Jehiel na mula sa angkan ni Gershon. Masayang-masaya ang mga tao sa kanilang mga kusang-loob na panghandog kay Yahweh, at labis din itong ikinatuwa ni Haring David.

Pinuri ni David si Yahweh

10 Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh. Sinabi niya, “Purihin kayo magpakailanman, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ama. 11 Sa(B) inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat. 12 Sa inyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan at kayo ang naghahari sa lahat. Taglay ninyo ang kapangyarihan at kadakilaan, at kayo ang nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat. 13 Pinasasalamatan namin kayo, O Diyos, at pinupuri ang inyong maluwalhating pangalan.

14 “Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob sapagkat ang lahat ng ito ay galing sa inyo at ibinabalik lamang namin. 15 Tulad ng aming mga ninuno, kami nga'y mga dayuhan at naglalakbay lamang. Ang buhay namin sa daigdig na ito ay parang anino at pansamantala lamang. 16 O Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng kayamanang ito na aming ibinigay para ipagpagawa ng inyong tahanan ay sa inyo rin nagmula. 17 Alam kong sinasaliksik ninyo ang puso ng bawat tao, at natutuwa kayo sa mga matuwid. O Diyos, buong puso kong ipinagkakaloob sa inyo ang lahat ng ito. Nasaksihan ko rin ang buong puso at may kagalakang pagkakaloob ng inyong bayan na narito ngayon. 18 Yahweh, Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob na aming mga ninuno, panatilihin ninyo sa isipan ng inyong bayan ang mga layuning ito, at akayin ninyo silang palapit sa inyo. 19 Tulungan ninyo ang anak kong si Solomon na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga utos at tuntunin upang maitayo niya ang Templong aking pinaghandaan.”

20 At sinabi ni David sa sambayanan, “Purihin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh!” Pinuri nga ng buong kapulungan si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Yumuko ang lahat, sumamba kay Yahweh, at nagbigay-galang sa hari. 21 Kinabukasan, ang dinala nilang handog na susunugin ay 1,000 toro, 1,000 tupang lalaki, 1,000 kordero at mga alak na handog, at napakaraming handog para sa buong Israel. 22 Masasaya silang nagsalu-salo sa harapan ni Yahweh noong araw na iyon.

Minsan pa nilang ipinahayag na si Solomon na anak ni David ay hari, at binuhusan ito ng langis sa pangalan ni Yahweh. Si Zadok naman ay hinirang bilang pari. 23 Mula(C) noon, umupo si Solomon sa tronong itinatag ni Yahweh bilang kahalili ng kanyang amang si David. Naging matagumpay siya at sumunod sa kanya ang buong Israel. 24 Nanumpa ng katapatan kay Haring Solomon ang mga pinuno at mandirigma, pati na ang iba pang anak ni Haring David. 25 Binigyan ni Yahweh si Solomon ng dakilang karangalan at katanyagang higit sa mga naging hari sa Israel.

Ang Buod ng Paghahari ni David

26 Si David na anak ni Jesse ay naghari sa buong Israel. 27 Apatnapung(D) taon siyang naghari: pitong taon sa Hebron, at tatlumpu't tatlong taon naman sa Jerusalem. 28 Nabuhay siya nang matagal, at namatay na mayaman at marangal. Si Solomon ang humalili sa kanya bilang hari. 29 Ang lahat ng pangyayari sa buong panahon ng paghahari ni David ay nakasulat sa mga aklat ng mga propetang sina Samuel, Natan at Gad. 30 Sa mga aklat na iyon nakasulat kung paano siya namahala, gaano kalawak ang kanyang kapangyarihan at ang mga nangyari sa kanya sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa paligid.

为建殿而献的礼物

29 大卫王又对全体会众说:“我儿所罗门是上帝特别拣选的,但他还年轻,缺乏经验。建殿的工程浩大,因为这殿不是为人造的,乃是为耶和华上帝造的。 我已竭尽所能为我上帝的殿预备了制作金器、银器、铜器、铁器和木器所需的金银铜铁及木头,还有大量的玛瑙、镶嵌用的宝石、彩石、大理石及其他贵重的石头。 而且,我因为爱慕我上帝的殿,除了预备以上物品外,还把自己珍藏的金银献上,用来建造我上帝的殿。 我献上一百吨俄斐金、二百四十吨纯银,用来贴殿墙, 供匠人制作金器银器。今天,有谁乐意向耶和华奉献?”

结果,各族长、以色列各支派的首领、千夫长、百夫长和负责王室事务的官员都乐意奉献, 他们为上帝的殿奉献了一百七十吨金子,三百四十吨银子,六百二十吨铜,三千四百吨铁。 有宝石的人都把宝石交到耶和华殿的库房,由革顺人耶歇保管。 因为他们诚心诚意地把东西献给上帝,百姓欢喜不已,大卫王也非常欢喜。

大卫颂赞耶和华

10 大卫在会众面前颂赞耶和华,说:“我们先祖以色列的上帝耶和华啊,你永永远远当受颂赞! 11 耶和华啊,伟大、权能、荣耀、尊贵和威严都是你的,天上地下的一切都是你的。耶和华啊,国度是你的,你是万有的主宰。 12 富贵和尊荣都从你而来,你掌管一切,你手中有权能和力量,能使人尊大、强盛。 13 我们的上帝啊,我们称颂你,赞美你荣耀的名。

14 “我算什么,我的人民算什么,怎么配向你奉献?因为万物都从你而来,我们只是把从你那里得来的献给你。 15 我们在你面前只是客旅,是寄居的,像我们祖先一样;我们在世的日子就像影子一样转瞬即逝。 16 我们的上帝耶和华啊,我们为你的圣名建造殿宇所预备的这一切财物都是从你那里来的,都属于你。 17 我的上帝啊,我知道你洞察人心,喜爱正直的人。我怀着正直的心甘愿献上这一切,我也看见你这里的子民甘心乐意地将财物献给你。 18 我们祖先亚伯拉罕、以撒、以色列的上帝耶和华啊!求你使你的子民常存这样的心志,使他们的心忠于你。 19 求你赐给我儿所罗门忠诚的心,以遵行你的诫命、法度和律例,用我预备的材料全力建造殿宇。”

20 大卫对全体会众说:“你们要颂赞你们的上帝耶和华。”于是,全体会众颂赞他们祖先的上帝耶和华,向耶和华和王俯伏下拜。

所罗门被立为王

21 次日,他们向耶和华献祭。他们代表全以色列献上一千头公牛、一千只公绵羊、一千只羊羔作燔祭,同时还献上奠祭及许多其他祭。 22 那一天,他们在耶和华面前欢欢喜喜地吃喝。

他们再次拥立大卫的儿子所罗门做王,在耶和华面前膏立他做首领,又膏立撒督做祭司。 23 于是,所罗门登上了耶和华所赐的王位,接替他父亲大卫做王。他凡事亨通,以色列众人都服从他, 24 众首领、勇士以及大卫王的众子都效忠于他。 25 耶和华使所罗门倍受以色列人尊崇,赐他君王的威严,超过在他之前的所有以色列王。

大卫去世

26 耶西的儿子大卫是全以色列的王, 27 他在以色列执政共四十年:在希伯仑执政七年,在耶路撒冷执政三十三年。 28 大卫年纪老迈,享尽富贵尊荣后,寿终正寝。他儿子所罗门继位。 29 大卫王一生的事迹都记在撒母耳先见、拿单先知和迦得先见的史记上。 30 书中记述了他的政绩和英勇事迹,以及他和以色列及列国所遭遇的事。