Add parallel Print Page Options

At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes,[a] na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya.

10 At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.

11 At naging anak ni Celub na kapatid ni Sua si Machir, na siyang ama ni Esthon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 4:9 Sa makatuwid baga'y Hirap .