Add parallel Print Page Options

Ang mga Anak ni Ruben

Ang(A) mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagkat siya ang panganay; ngunit dahil kanyang dinungisan ang higaan ng kanyang ama, ang kanyang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; kaya't siya'y hindi nakatala sa talaan ng lahi ayon sa pagkapanganay;

bagaman(B) si Juda'y naging malakas sa gitna ng kanyang mga kapatid, at sa kanya nanggaling ang pinuno ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay kay Jose.)

Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Fallu, Hesron, at Carmi.

Read full chapter