Add parallel Print Page Options

Ang Lahi ni Isacar

May apat na anak na lalaki si Isacar: sina Tola, Pua, Jashub at Shimron. Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jamai, Ibsam at Shemuel.[a] Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa mga angkan ni Tola.

Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahia. Si Izrahia at ang kanyang apat na anak na sina Micael, Obadias, Joel at Ishia, ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:2 Shemuel: o, Samuel.