Add parallel Print Page Options

11 Pumunta si Natan kay Batsheba na ina ni Solomon, at nagtanong, “Hindi mo ba alam na ang anak ni Hagit na si Adonia ay ginawang hari ang sarili at hindi ito alam ni Haring David? 12 Kung gusto mong maligtas ang buhay mo at ang buhay ng anak mong si Solomon, sundin mo ang payo ko. 13 Puntahan mo si Haring David at sabihin mo sa kanya, ‘Mahal na Hari, hindi po baʼt nangako kayo sa akin na ang anak nating[a] anak na si Solomon ang papalit sa inyo bilang hari? Bakit si Adonia po ang naging hari?’

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:13 nating: sa literal, kong. Ganito rin sa talatang 17.