Add parallel Print Page Options

Gusto ni Adonia na Maging Hari

Ngayon, si Adonia na anak ni David kay Hagit ay nagmamayabang na siya ang susunod na magiging hari. Kaya naghanda siya ng mga karwahe at mga kabayo[a] at 50 tao na magsisilbing tagabantay na mauuna sa kanya. Hindi siya kailanman pinakialaman ng kanyang ama na si David, at hindi sinaway sa kanyang mga ginagawa. Napakaguwapong lalaki ni Adonia at ipinanganak siyang kasunod ni Absalom. Nakipag-usap siya kay Joab na anak ni Zeruya at sa paring si Abiatar tungkol sa balak niyang maging hari, at pumayag ang dalawa na tumulong sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:5 mga kabayo: o, mga mangangarwahe.