Add parallel Print Page Options

31 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Nadab, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. 32 Sa buong paghahari nila, palaging naglalaban sina Asa at Baasha.

Ang Paghahari ni Baasha sa Israel

33 Naging hari ng Israel si Baasha na anak ni Ahia noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. Sa Tirza tumira si Baasha, at naghari siya roon sa loob ng 24 na taon.

Read full chapter