Add parallel Print Page Options

27 Nang tanghaling-tapat na, ininsulto na sila ni Elias. Sabi niya, “Sige lakasan nʼyo pa ang pagsigaw, dios naman siya! Baka nagbubulay-bulay lang siya, o nagpapahinga,[a] o may pinuntahan, o nakatulog at kailangang gisingin.” 28 Kaya sumigaw pa sila nang malakas at sinugatan ang mga katawan nila ng sibat at espada ayon sa kinaugalian nila, hanggang sa dumanak ang dugo. 29 Lumipas ang tanghali, tuloy-tuloy pa rin ang pagsigaw nila hanggang lumampas na ang takdang oras ng paghahandog,[b] pero wala pa ring sumagot sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:27 nagpapahinga: o, nagbabawas.
  2. 18:29 hanggang … paghahandog: sa literal, hanggang sa pag-aalay ng handog. Ginagawa ito sa paglubog ng araw.