Add parallel Print Page Options

29 Lumipas ang tanghali, tuloy-tuloy pa rin ang pagsigaw nila hanggang lumampas na ang takdang oras ng paghahandog,[a] pero wala pa ring sumagot sa kanila.

30 Nagsalita si Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin.” At nagsilapit ang mga tao sa kanya. Inayos niya ang altar ng Panginoon na nagiba. 31 Kumuha siya ng 12 bato na sumisimbolo ng 12 lahi ng mga anak ni Jacob, ang tao na pinangalanan ng Panginoon na Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:29 hanggang … paghahandog: sa literal, hanggang sa pag-aalay ng handog. Ginagawa ito sa paglubog ng araw.