Font Size
1 Hari 2:27-29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Hari 2:27-29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
27 Kaya tinanggal ni Solomon si Abiatar sa kanyang tungkulin bilang pari ng Panginoon. At natupad ang sinasabi ng Panginoon doon sa Shilo tungkol sa pamilya ni Eli.
Namatay si Joab
28 Hindi tumulong si Joab kay Absalom na maging hari, pero tumulong siya kay Adonia. Kaya nang mabalitaan niya ang pagkamatay ni Adonia, tumakas siya papunta sa tolda ng Panginoon at humawak sa parang mga sungay na bahagi ng altar.[a] 29 Nang mabalitaan ni Haring Solomon na tumakas si Joab papunta sa tolda ng Panginoon at lumapit sa altar, inutusan niya si Benaya na patayin si Joab.
Read full chapterFootnotes
- 2:28 Ang kahit sinong hahawak sa parang mga sungay na bahagi ng altar ay hindi papatayin.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®