Add parallel Print Page Options

12 Ang maluwang na bakuran ay napapaligiran ng pader, na ang bawat tatlong patong ng mga tinabas na bato ay pinatungan ng kahoy na sedro. Katulad din nito ang pagkakagawa ng mga pader ng bakuran sa loob ng templo ng Panginoon at ng balkonahe.

Ang mga Gamit ng Templo(A)

13 Ipinasundo ni Haring Solomon si Huram[a] sa Tyre 14 dahil magaling siyang panday ng mga tanso. Anak siya ng isang biyuda mula sa lahi ni Naftali at ang kanyang ama ay taga-Tyre, na isa ring panday ng mga tanso. Pumunta siya kay Haring Solomon at ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:13 Huram: sa Hebreo, Hiram. Ganito rin sa talatang 40 at 45. Hindi siya ang hari na binabanggit sa 5:1.