Add parallel Print Page Options

65 Ipinagdiwang ni Solomon at ng buong Israel ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. Napakaraming pumunta mula sa Lebo Hamat sa bandang hilaga hanggang sa lambak ng Egipto sa bandang timog. Nagdiwang sila sa presensya ng Panginoon na kanilang[a] Dios sa loob ng 14 na araw – pitong araw para sa pagtatalaga ng templo at pitong araw para sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol. 66 Pagkatapos ng Pista,[b] pinauwi ni Solomon ang mga tao. Binasbasan ng mga tao si Haring Solomon, at umuwi sila na may galak dahil sa lahat ng kabutihang ginawa ng Panginoon sa kanyang lingkod na si David at sa mga mamamayan niyang Israelita.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:65 kanilang: sa Hebreo, ating.
  2. 8:66 Pagkatapos ng Pista: sa Hebreo, Nang ikawalong araw. Maaaring ang susunod na araw pagkatapos ng ikapitong araw ng Pista.