Add parallel Print Page Options

Ang Iba pang Naipatayo ni Solomon(A)

10 Matapos na maipatayo ni Solomon ang dalawang gusali – ang templo ng Panginoon at ang palasyo sa loob ng 20 taon, 11 ibinigay niya ang 20 bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tyre. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres[a] at ng ginto na kanyang kailangan. 12 Pero nang pumunta si Hiram sa Galilea mula sa Tyre para tingnan ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan dito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:11 sipres: o, “pine tree.”