Add parallel Print Page Options

Ang Salitang Nagbibigay ng Buhay na Walang Hanggan

Ipinapahayag namin sa inyo ang tungkol sa kanya na mula pa sa simula ay nariyan na.[a] Narinig namin siya, nakitaʼt napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan pa namin siya. Siya ang Salita ng Dios na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Siya na pinagmumulan ng buhay na walang hanggan ay nahayag at aming nakita. Pinapatotohanan at ipinapahayag namin siya sa inyo, na sa simulaʼt simula pa ay kasama na ng Ama, at nagpakita sa amin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:1 nariyan na: o, nabubuhay na.