Add parallel Print Page Options

Sila ay mula sa sanlibutan, kaya nga, sila ay nagsasalita kung papaano ang sanlibutan ay nagsasalita at pinakikinggan sila ng sanlibutan. Tayo ay mula sa Diyos. Ang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa atin. Ang hindi mula sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa ganitong paraan ay makikilala natin ang espiritu ng katotohanan at ang espiritu ng kasinungalingan.

Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Ating Pag-ibig

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sa isa’t isa sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang sa bawat isang umiibig, ang kanilang kapanganakan ay mula sa Diyos at nakakilala sa Diyos.

Read full chapter