Add parallel Print Page Options

Tayo nga'y sa Dios: (A)ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala (B)ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.

Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

(C)Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang (D)Dios ay pagibig.

Read full chapter