Add parallel Print Page Options

17 At siya'y gumawa ng (A)tatlong daang ibang kalasag na pinukpok na ginto: (B)tatlong librang ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at ipinaglalagay ng hari (C)sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.

18 Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng gintong pinakamainam.

19 May anim na baytang sa luklukan, at ang pinakalangit ng luklukan ay mabilog sa likuran: at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay.

Read full chapter