Add parallel Print Page Options

Nagkita si Elias at si Achab.

16 Sa gayo'y yumaon si Abdias upang salubungin si Achab, at sinaysay sa kaniya: at si Achab ay yumaon upang salubungin si Elias.

17 At nangyari, nang makita ni Achab si Elias, na sinabi ni Achab sa kaniya, (A)Di ba ikaw, ang (B)mangbabagabag sa Israel?

18 At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay (C)sumunod kay Baal.

Read full chapter