Font Size
1 Mga Hari 18:20-22
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 18:20-22
Ang Biblia (1978)
Ang paligsahan sa bundok ng Carmelo.
20 Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, (A)at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo.
21 At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? (B)kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
22 Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako (C)lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay (D)apat na raan at limang pung lalake.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978