Font Size
1 Mga Hari 2:17-19
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 2:17-19
Ang Biblia (1978)
17 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na iyong salitain kay Salomon na hari, (sapagka't hindi siya pahihindi sa iyo,) na ibigay niyang asawa sa akin si Abisag na (A)Sunamita.
18 At sinabi ni Bath-sheba, Mabuti; aking ipakikiusap ka sa hari.
Si Adonia ay pinatay.
19 Si Bath-sheba nga'y naparoon sa haring Salomon, upang ipakiusap sa kaniya si Adonia. At tumindig ang hari na sinalubong siya, at yumukod siya sa kaniya, at umupo sa kaniyang luklukan, at nagpalagay ng luklukan para sa ina ng hari; at siya'y naupo sa kaniyang (B)kanan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978