Add parallel Print Page Options

24 Ngayon nga'y buhay ang Panginoon, na nagtatag sa akin, at naglagay sa akin sa luklukan ni David na aking ama, at siyang gumawa sa akin ng isang bahay, gaya ng kaniyang ipinangako, tunay (A)na si Adonia ay (B)papatayin sa araw na ito.

25 At nagsugo ang haring Salomon sa pamamagitan ng kamay ni (C)Benaia na anak ni Joiada; at siyang dumaluhong sa kaniya, na anopa't siya'y namatay.

26 At kay Abiathar na saserdote ay sinabi ng hari, Umuwi ka sa Anathoth, (D)sa iyong sariling mga bukid; sapagka't ikaw ay karapatdapat sa kamatayan: nguni't sa panahong ito'y hindi kita papatayin, sapagka't iyong dinala ang kaban ng Panginoong Dios sa harap ni David na aking ama, (E)at sapagka't ikaw ay napighati sa lahat ng (F)kinapighatian ng aking ama.

Read full chapter