Font Size
1 Mga Hari 2:27-29
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 2:27-29
Ang Biblia, 2001
27 Kaya't(A) tinanggal ni Solomon si Abiatar sa pagkapari sa Panginoon, upang kanyang matupad ang salita ng Panginoon, na kanyang sinabi sa Shilo tungkol sa sambahayan ni Eli.
Pinatay si Joab
28 Nang ang balita ay dumating kay Joab, sapagkat si Joab ay kumampi kay Adonias, bagaman hindi siya kumampi kay Absalom, si Joab ay tumakas patungo sa Tolda ng Panginoon, at humawak sa mga sungay ng dambana.
29 Nang ibalita kay Haring Solomon na, “Si Joab ay tumakas patungo sa Tolda ng Panginoon, siya'y nasa tabi ng dambana.” Nang magkagayo'y sinugo ni Solomon si Benaya na anak ni Jehoiada, na sinasabi, “Humayo ka, sunggaban mo siya.”
Read full chapter