Add parallel Print Page Options

17 Kaya't(A) sinabi ni Micaya,

“Nakita kong nagkawatak-watak ang hukbo ng Israel,
    nagkalat sa kabundukan parang tupang walang pastol!
Narinig kong sinabi ni Yahweh, ‘Sila'y walang tagapanguna
    kaya't pauwiin na silang mapayapa.’”

18 Kaya't sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Di ba't sinabi ko na sa iyo na kailanma'y hindi niya ako binigyan ng mabuting pahayag, lagi na lang masama.”

19 Ngunit(B) nagpatuloy si Micaya, “Pakinggan ninyo si Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kanyang trono. Nasa kanyang harapan, sa kaliwa at sa kanan, ang buong hukbo ng langit.

Read full chapter