Add parallel Print Page Options

13 At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang (A)kayamanan at gayon din ang karangalan, (B)na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan.

14 At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.

15 At nagising si Salomon, at narito, yao'y isang panaginip: at siya'y naparoon sa Jerusalem, at tumayo sa harap ng (C)kaban ng tipan ng Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod.

Read full chapter