Add parallel Print Page Options

Ang pakikipagtalastasan sa haring Hiram bagay sa pagpapatayo ng templo.

At si Hiram na (A)hari sa Tiro ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod kay Salomon; dahil sa kaniyang nabalitaan na siya'y kanilang pinahiran ng langis na maging hari na kahalili ng kaniyang ama, sapagka't si Hiram ay naging laging maibigin (B)kay David.

(C)At si Salomon ay nagsugo kay Hiram, na kaniyang sinasabi,

Talastas mo na kung paanong si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay sa pangalan ng Panginoon niyang Dios dahil sa mga pagdidigmaan sa palibot niya sa bawa't dako, (D)hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kaniyang mga paa.

Read full chapter