Font Size
1 Mga Hari 7:20-22
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 7:20-22
Ang Biblia, 2001
20 Ang mga kapitel ay nasa ibabaw ng dalawang haligi at sa itaas ng nakausling pabilog na nasa tabi ng yaring lambat. Ang mga granada ay dalawandaan na dalawang hanay sa palibot; at gayundin sa ibang kapitel.
21 Kanyang itinayo ang mga haligi sa pasilyo ng templo, at kanyang itinayo ang haligi sa timog, at pinangalanang Jakin[a] at kanyang itinayo ang isa pang haligi sa hilaga, at pinangalanang Boaz.[b]
22 At sa ibabaw ng mga haligi ay may mga nililok yaring liryo. Sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari.
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 7:21 o Kanyang pagtitibayin .
- 1 Mga Hari 7:21 o sa Kanya ang katibayan .