Font Size
1 Mga Hari 7:23-25
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 7:23-25
Ang Biblia, 2001
Ang Hinulmang Tangke ng Tubig, Patungang Tanso, at Hugasang Tanso(A)
23 Pagkatapos ay gumawa siya ng hinulmang tangke ng tubig.[a] Ito ay bilog na sampung siko mula sa labi hanggang sa kabilang labi, ang taas ay limang siko; at isang panukat na tali na may tatlumpung siko ang pabilog nito.
24 Sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga palamuting hugis upo, para sa tatlumpung siko, na nakaligid sa dagat-dagatan sa palibot. Ang mga palamuting hugis upo ay dalawang hanay, na kasama itong hinulma nang ito'y hulmahin.
25 Nakapatong ito sa labindalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa hilaga, ang tatlo'y nakaharap sa kanluran, ang tatlo'y nakaharap sa timog, at ang tatlo'y nakaharap sa silangan; at ang dagat ay nakapatong sa mga iyon, at ang lahat na puwitan ng mga iyon ay nasa loob.
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 7:23 Sa Hebreo ay dagat .