Font Size
1 Mga Hari 8:14-16
Ang Biblia (1978)
1 Mga Hari 8:14-16
Ang Biblia (1978)
14 At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at (A)binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.
15 At kaniyang sinabi, Purihin (B)ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, (C)na sinasabi,
16 Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; (D)nguni't aking pinili si David upang maging pangulo (E)sa aking bayang Israel.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978