1 Mga Hari 8:25-27
Ang Biblia (1978)
25 Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, (A)Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko.
26 Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama.
Ang kaniyang panalangin ng pagtatalaga.
27 Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? (B)Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay (C)hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978