Add parallel Print Page Options

Ang kaniyang panalangin ng pagtatalaga.

27 Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? (A)Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay (B)hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!

28 Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito:

29 Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; (C)upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa (D)dakong ito.

Read full chapter